SINO BA SI GERALD?
 
isang makata,
oo, tama ka!
ma-ramdamin,
ka-biguan,
ta-nga..
 
mahinang nilalang,
makasarili,
mahirap intindihin,
isang pagkakamali..
 
gusto nyo akong maging siya?
gusto nyo akong maging katulad nya?
hindi nyo ba tanggap kung ano ako?
o gusto nyo siya..
 
mabait sabi ng iba,
mapagbigay sabi nila,
sobra-sobra,
nagpapakatanga..
 
asan ang mga kakampi ko?
wala na..
kinuha sa'kin ang ilan,
ang iba, nilayo pa..
 
walang pangarap,
pa easy-easy lang,
kaya ang patutunguhan,
hindi nila alam..
 
hinahanap ko pa rin ang aking sarili,
baka makita ko sa tabi-tabi,
kailan kaya ako mabubuo?
kapag nilisan ko na ba ang mundong ito?
 
saan ako lulugar?
saan ako makikisiksik?
bakit ba ako naririto?
sa tingin nyo ba ginusto ko rin ito?
 
masaya kayo para sa akin,
bakit ako hindi masaya?
nasa akin na daw ang lahat,
bakit pakiramdam ko kulang pa?
 
kapag nawala ako,
maiiba ba ang ikot ng mundo?
baka sa pag-alis ko,
magkaroon ulit ng isang katulad ko..
 
malalim daw ang buhay,
nakakalunod daw ang mundo,
nasaan ba ang paraiso?
nasa palad, o nasa puso ko?
 
ako ito,
tao lang, hindi perpekto..
matanggap nyo naman sana,
kailanman, hindi ako magiging siya..
 
sino ba talaga si gerald?
kahit ako, hindi ko alam..
ang alam ko, naglalakbay pa rin siya,
hinahanap pa rin ang sarili niya..
Posted by krayzhe on September 2, 2005 at 03:02 PM | Add a Comment
« Newer · »